Mga Artikulo
Paano Mag-Setup Ng Laro Ng Chess

Paano Mag-Setup Ng Laro Ng Chess

Avatar ni CHESScom
| 62 | Para sa Baguhan

Madali lang ang mag-setup ng laro ng chess. Ang maaaring mahirap ay ang paglalaro.

Ganito mag-set up ng laro.

Step 1: Mag-desisyon kung saan maglalaro. 
Gusto mo bang maglaro sa totoong board kasama ang kaibigang malapit sa iyo? O gusto mong makipaglaro sa isa sa mga milyun-milyong taong naka-online? Hindi ka pwedeng magkamali alinman ang piliin!

Para maglaro sa totoong board kakailanganin mo ng chess set. Para maglaro nang online, mag-sign up lang sa Chess.com (libre ito).

Step 2: I-setup ang board. 

Bago mo masimulan ang laro, kailangan mong i-setup ang board. Kung baguhan ka, siguraduhing i-review kung paano i-setup ang board. Kung maglalaro ka online, ise-setup ito para sa iyo.

Step 3: Hamunin ang kalaban mo. 
Kung sa bahay ka naglalaro, pwede kang magiliw na maghamon nang harapan. Kung gusto mong maglaro nang online, pwede kang makipaglaro sa isang random na kalaban, o hamuning maglaro ang kaibigan. Manalo nawa ang pinakamagaling na manlalaro!

Step 4: Gawin ang una mong tira. 

Kapag nagsimula na ang laro, oras na para gawin ang unang tira mo. Kung hindi mo alam kung paano tumira, tingnan ang aming artikulong tungkol sa patakaran ng chess. Kung marunong ka nang maglaro pero hindi sigurado sa pinakamahuhusay na mga tira sa opening na pwedeng gawin, subukan itong artikulong tungkol sa pinakamahuhusay na opening para sa mga baguhan.

Step 5: Maging mabait na kalaban. 
Laging tandaan na gamitin ang golden rule kapag nakikipaglaro sa iba. Huwag kang gumawa ng anumang ayaw mong gawin nila. Kasama na dito ang mag-antala, maagang pag-alis sa laro, o magsabi ng masasamang bagay. Maging maalalahaning kalaban at matutulungan mong gawin ang laro (at ang mundo) na maging mas magandang lugar.

Kung ikaw ay naghahanap ng magandang lugar para i-setup ang susunod mong laro sa chess, subukan ang Chess.com.

Mas marami pa galing kay CHESScom
Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess