Ang Una Mong Chess Set
Natutunan mo kung paano maglaro ng chess, at nakailang laro ka na online, pero ngayon gusto mo nang magkaroon ng chess set para sa iyong tahanan para makapaglaro ng “over the board.”
Pero anong klaseng chess set ang dapat mong kunin?
May apat na klaseng chess set. Iba't iba ang layunin ng bawat isa.
1. Mga Pang-Club / Paligsahang Chess Set
Ang mga ito ang pinaka-basic, mura, at praktikal na chess set. Ang mga piyesa ay gawa sa plastik at ang mga board ay gawa sa vinyl. Ang karamihan ng mga seryosong manlalaro ay mayroon nito sa tahanan dahil madaling dalhin at gamitin.
Litrato: Wikimedia.
2. Mga Kahoy na Chess Set
Ang mga set na gawa sa kahoy ay maganda at praktikal paglaruan, pero hindi ito mura. Ang mga kahoy na chess set ay naghahalaga mula $100 hanggang lampas $1,000 depende sa kalidad ng kahoy at detalye ng pagkakaukit.
Litrato: Wikimedia.
3. Mga Electronic na Chess Set
Ang mga electronic na set ay hindi na gaanong sikat sa ngayon dahil madali lang ang online na paglalaro ng chess. Gayunman, kung naghahanap ka ng simpleng kalabang kompyuter, pwedeng magbigay saya ang electronic na set.
Litrato: Wikimedia.
4. Mga Pampalamuting Chess Set
Maraming mga chess set na ginawang kawili-wili sa paningin. Mula sa mapalamuti hanggang sa abstract, makahahanap ka ng chess set na gawa sa halos kahit anong materyal at tema. Pero pang-display lang ang mga ito at hindi praktikal na paglaruan ng totohanan.
Kung naghahanap ka ng mga chess set na mabibili, tingnan ang Wholesale Chess.