Ang Pinakamahusay Na Lugar Para Maglaro Ng Online Na Chess
Naghahanap ka ba ng lugar kung saan pwedeng mag-enjoy ng magandang laro ng chess? Baka naitanong mo na sa sarili mo: Ano bang online na lugar ang pinakamahusay para mag-chess?
Chess.com ang pinakamahusay na lugar para maglaro ng online na chess. Ang aming live server ay mayroon lahat ng mga features na pwede mong naisin:
1. May Pinakamaraming Manlalaro
Ang Chess.com ay di-hamak na may pinakamaraming manlalaro ng chess na naka-online sa kahit anong oras. Baguhan ka man o, may maraming karanasang club player, o grandmaster, madali kang makahahanap ng mga laro agad-agad laban sa mga kasing-husay na mga kalaban.
2. Ang May Pinakamagandang Interface Online
Ang Chess.com ay may maganda, pulido, modernong interface para sa chess. Lahat ng kailangan mo ay narito na at walang hindi mo kailangan. Makipaglaro sa kaibigan o mag-hamon. Makipag-usap sa iyong mga kaibigan o mga kakompetisyon. Sundan ang mga pinakamagagaling na manlalaro. I-review ang iyong mga laro sa board na panuri. Walang-limitasyon ang mga pagpipilian!
Gusto mo bang ipasadya ang iyong karanasan sa paglalaro? Nago-offer ang Chess.com ng walang-limitasyong mga tema at maraming mga customization para sa iyong interface na pinaglalaruan ng chess.
3. Maraming Mga Time Control at Variant
Hinahayaan ka ng Chess.com na maglaro kung paano mo gusto sa pagbibigay sa iyo ng mga time control mula 10 segundo kada laro hanggang maraming mga araw! Laging may oras para maglaro sa Chess.com.
Sinusuportahan rin ng Chess.com ang mga sikat na variants tulad ng Chess960, Bughouse, 3-Check, at King of the Hill.
4. Mga Paligsahan
Gusto mo bang itaas ang nakataya? Subukang sumali sa paligsahan! Ang aming libreng mga paligsahan ay papayagan ka na makipagtagisan ng abilidad kontra sa mga manlalarong kasali, na naglalabanan para umagat sa leaderboard. Sa mga paligsahang iba't-ibang porma at time controls na nagsisimula kada ilang minuto laging may lugar para makipagkompetensiya.
5. Focus Mode
Ayaw mo ba ng mga istorbo habang naglalaro? Gamitin ang aming sikat na Focus Mode para magawa ang importante: ikaw, kalaban mo, board, at orasan. Pindutin lang ang "Z" para makapasok sa Focus Mode sa iyong laro.
6. May Pinakamahusay Na Fair Play System
Wala nang lalala pa sa nakapagtatakang pakiramdam na parang hindi tao ang kalaban mo. Ang Chess.com ay may dedikadong pangkat ng mga propesyonal na sinisiguradong walang manlalarong tumatanggap ng panlabas na tulong.
Ang aming fair play system ay nagpaparusa rin sa mga manlalaro na nang-iiwan ng laro, nag-aantala, o gumagawa ng ibang mga hindi kanais-nais na pag-uugali. Dedikado kami na siguraduhing ang lahat ng mga manlalaro ay makapag-eenjoy ng masaya, patas na laro.
Kung handa ka nang maglaro ng online na chess, mag-sign up sa Chess.com!