Ang Pinakamabilis na Posibleng Mate sa Chess
Nagtaka ka na ba: "Ano ang pinakamabilis na mate sa chess na posible?" Ito ay ang dalawang-tirang mate.
Ang dalawang-tirang mate (walang-galang na kilala bilang fool's mate) ay talagang kahangalan at kailangan mo o kalaban mo na gumawa ng napakasamang mga tira. Dapat munang itira ng Puti ang f-pawn nang isa o dalawang square paabante. Pagkatapos, dapat iabante ng Itim ang e-pawn para makalabas ang Reyna. Ititira naman ng Puti ang g-pawn nang dalawang square, na mabibigay ng pagkakataong makapasok sa h4 ang itim na reyna: checkmate!
Bilang Puti, paano mo maiiwasan ang dalawang-tirang mate? Basta't huwag mo lang igalaw ang f-pawn! Mabuting pangkalahatang payo ito para sa mga baguhang manlalaro. Ang paggalaw sa f-pawn ay nagbubukas ng mga delikadong linya papunta sa hari, at makabubuting iwasan habang natututo ka pa lamang maglaro. Kung hindi mo gagalawin ang f-pawn, kahit na grandmaster ay hindi ka kayang i-checkmate sa dalawang tira.
Ngayong alam mo na ang checkmate na ito, bakit hindi mo subukang gumawa ng Chess.com account at simulang ang sariling laro? Hindi ito magiging ganoon kasama!