Ang Mate sa 4 na Tira
Ano ang pinakakaraniwang laro sa chess?
Ang mate sa apat na tira (kilala rin bilang scholar's mate) ay di hamak na pinakakaraniwang pagtatapos ng isang laro sa chess. Halos lahat ng mga manlalaro ng chess ay nabitag na o nakagawa nitong checkmate minsan sa kanilang buhay.
Pero walang dapat katakutan dito! Kung marunong kang dumepensa, nawawala sa posisyon ang puti kung tutuusin.
Ang mate sa apat na tira ay maaaring maabot sa iilang paraan, pero ang basic pattern ay nagsisimula ang Puti sa pag-abante ng 1.e2-e4, ilalabas ang bishop sa c4 para atakihin ang f7-pawn, at ilalabas ang reyna sa h5 (o f3). Kung hindi dumepensa ang Itim, gagawin ng Puti ang checkmate sa pagtira ng 4.Qxf7#
Paano makakadepensa ang Itim laban sa mateng 4 na tira? May tatlong paraan: ...Qe7, ...Qf6, at ...g6 ay lahat resonableng mga tira na pumipigil sa bantang checkmate ng Puti.
Kapag sinimulang depensahan ng Itim ang checkmate, ang puting reyna ay maaaring maging target ng atake. Dapat subukan ng Itim na maglabas ng mga bagong piyesa habang inaatake ang puting reyna.
Ngayong alam mo na kung paano depensahan ang iyong sarili laban sa patibong na ito, bakit hindi gumawa ng account sa Chess.com at subukan ang isang laro ng sarili mo?